
Simbayanan ni Maria Multi-Purpose Cooperative
CDA Reg. No. 9520-16002788 • CIN 0105161960 • TIN 002-501-022-000
Registered with Cooperative Development Authority - Manila Extension Office
115 Manuel L. Quezon Street, Purok 2, New Lower Bicutan, Taguig City
Trunkline: 838-1834 • 838-6665 • 837-0011 Directline: 478-1225 • 703-7137 • 330-0248
FB Account: Simbayanan ni Maria MPC
Website: www.simbayanancoop.org
Ang SIMBAYANAN NI MARIA MULTI-PURPOSE COOPERATIVE ay isang legal at malayang samahan ng mga tao na may magkakatulad na interes na nagbubuklod at nagtitipon ng kanilang yaman at kakayahan upang matulungan ang isa't-isa. Ito ay kilusang magpapaunlad ng ugaling pag-iimpok, pagtitipid at matalnong paggamit ng salapi ng mga kasapi.
PAGTUTULUNGAN AT PAGLILINGKOD ang diwa ng kooperatibismo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maliliit na halaga (mga kaunting yaman na mayroon ang bawat isa). Nakaiipon ng sapat na yaman ang kooperatiba upang gamitin sa negosyo o proyekto na makakapagbigay serbisyo sa mga kasapi.
Ang mga miyembro ang TUMATANGKILIK SA MGA SERBISYO AT MGA PRODUKTO NG KOOP. Nagsimula ang SIMBAYANAN NI MARIA MULTI-PURPOSE COOPERATIVE bilang isang ParishÂ-Based Cooperative sa loob ng simbahan ng Our Lady of the Holy Rosary sa Lower Bicutan noong 1991. Pinangunahan ni Rev. Fr. Anton Cecillo T. Pascual ang unang tatlumpu't tatlong founding members sa paglaban sa kahirapan at pagpapaunlad ng buhay ng mga mamamayan.
Nais ng Simbayanan ang maging isang Kooperatibang Pampamayanan na may pinagsamang serbisyo sa kabuhayan at panlipunan para sa kabuuang pag-unlad ng lahat ng kamay-ari. Layunin nito ang isabuhay ang maayos na pamamahala, masinop at epektibong pangangasiwa at pinalakas na kasapian sa kulturang kooperatibismong pamumuhay. Pinapahalagahan din ng kooperatiba ang pagiging Maka-Diyos, tungkulin sa lipunan at disiplina sa sarili.
Naging masigasig din ang pamunuan sa pagpapalago ng kabang yaman ng kooperatiba. Sa loob ng dalawampu't tatlong taon, ang mga Board of Directors at Management ay tulong-tulong sa paggawa sa pagpapaunlad ng kooperatiba.
Mula sa paunang puhunan na 16,000.00 ay lumaki sa 124.9 million ang share capital ng kooperatiba. Habang ang kasapian na mula sa 33 founding members ay nasa mahigit 15000 members na. Lumaki naman ang halaga ng kabuuang Assets ng kooperatiba sa 537 million pesos, Habang ang Deposits level ay nasa 344 million pesos, patunay lamang na malaki ang tiwala ng mga kamay-ari Sa kooperatiba. (figures stated is as of December 2014)
Taong 2004, sinimulang itayo ang 4 na palapag na gusali bilang punong tanggapan ng kooperatiba at pinasinayan noong 2005 sa pangunguna nina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Bishop Francisco San Diego.
Sa loob ng mga nagdaang taon na walang humpay na paglilingkod sa kasapian at sa kilusang kooperatiba, ang Simbayanan ay naging ehemplo ng isang tunay na pagbabago. Pinatunayan ito ng iba't ibang pagkilala hindi lamang sa lungsod ng Taguig kundi maging sa kalakhang Maynila. Isa na rito ang MOST OUSTANDING PRIMARY COOPERATIVE sa buong National Capital Region mula sa Cooperative Development Authority noong taong 2007.
PANANAW (VISION)
Nais ng Simbayanan ang maging isang Kooperatibang Pampamayanan na may pinagsamang serbisyo sa kabuhayan at panlipunan para sa kabuuang pag-unlad ng lahat ng kamay-ari.
A Community cooperative with integrated social and business entrepreneurship services for the total human development of all cooperators.
LAYUNIN (MISSION)
Layunin nito ang isabuhay ang maayos na pamamahala, masinop at epektibong pangangasiwa at pinalakas na kasapian sa kulturang kooperatibismong pamumuhay.
To practice good governance, efficient and effective management and fully empowered memberÂ
ship with the culture of cooperativism as a way of life.
CORE VALUES
• God Centeredness
• Social Responsibility
• Personal Discipline
Sa kasalukuyan, may anim (6) na sangay ang Simbayanan, nandiyan ang
• Waterfun-CS Branch
• Tuktukan Branch
• Bagong Tanyag Branch
• Pembo Branch (Makati)
• Pateros Branch
• Central Bicutan Branch
MGA PROGRAMA
Ang Simbayanan ay nakatuon sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga kamay-ari at upang patuloy na mapabuti ang kalidad ng paghahatid sa aming mga serbisyo sa aming mga kamay-ari. Ang makilala, maunawaan at matugunan ang mga pangangailangan at mga inaasahan ng aming mga kamay-ari .
Naging aktibo ang Simbayanan sa pagtugon sa pangangailangan ng pamayanan tulad ng
CORE PROGRAM
• Entrepreneurship Empowerment Program
• Savings Mobilization
• Lending Services
• Entrepreneurship and Livelihood Training
• Leadership and Values Formation
• Social Community Development
• Lab Coop Program for Minors
Dumami din ang mga serbisyong makabubuti sa mga kasapi tulad ng
SUPPORT PROGRAM
• Scholarship
• Job Placement
• Community Foundation
• Health and Wellness
• Environmental Program
• Health Insurance
Sa pamamagitan ng kooperatiba, mabubuo ng mga tao ang isang samahan na binibigkis ng isang layunin at pananaw. Mahalaga na ang diwa n bayanihan ay nananatiling bahagi ng magandang kaugalian nating mga Filipino. At habang naniniwala tayo na ang pagbabago ay di mahirap tanggapin at isagawa, Ang Kaunlaran sa pamamagitan ng pagtutulungan ay magiging isang ganap na katotohanan.
Walang buting idudulot sa lipunan ang indibidwal na kumpetisyon. KOOPERATIBA ang kailangan para sa ikauunlad ng mas nakararaming mamamayan!
LOAN SERVICES
• Low Interest (.5% to 3%)
• Easy Access & Flexible Term ( 1 to 60 months)
• Different type of loan to suit your needs
• Covered by Insurance
• With Patronage Refund
• Flexible Terms
DEPOSITS
• High interest on Savings
(3% per annum, Tax Free)
• High interest on Time Deposit
(3.5% - 4.5%)
• Tax Free
• Flexible Terms
LOANS
• Real Estate Mortgage (REM) Loan
• REM Express
• REM Standby Revolving Credit Line
• Back to Back Loan (BTBL)
• Auto Loan
• Motorcycle Loan
• Car Loan Franchise
• Memorial Loan
• RegularjBLNC Loan
• Share Capital Empowerment Loan
• Enterprise Loan
• Character Loan
• Microfinance Loan - No Cash Out
• Appliance Loan
• Calamity Loan
• Teacher's Loan
DEPOSITS
• Savings Deposit
• Time Deposit
SERVICES
• Social Entrepreneurial Training
• Loan Protection Plan
• Scholarship-SMCFI
• Social Services
• Venue Rental
• Bayad Center
• Life Insurance
• Western Union